Martes, Oktubre 9, 2012

Tsokolateng Dagat (Paglalarawan)


Nagsilbing isang malawak na tsokolateng dagat na may amoy panis na ulam ang lumulutang-lutang na animo'y patay na mga isda at kalat-kalat na isla na siyang nagsilbing pahingahan ng mga tao ang ating natamasa ilang linggo pa lamang ang nakalilipas.

Habang ako ay nanunuod ng balita, kitang-kita ng aking naglalakihang mata kung paano sinakop ng maitim na ulap, nagbabagsakayang tubig sa langit kasabay ang paghampas ng hangin at pagsabog ng kulog at kidlat ang ipinatikim na lakas ng habagat na ito sa Filipinas, partikular na sa Metro Manila. Isa itong delubyo na maihahalintulad natin sa bagsik na ipinaranas sa atin ng bagyong Undoy. Hindi ako magkakandaugagang isipin kung ano ang una kong gagawin kung sa amin nangyari ang aking nakitang hirap ng mga taong nakikipagsapalaran sa tila isang survival game na ating napapanuod rin sa telebisyon. Ika nga sa palabas na iyon ay "Matira, matibay".

Inaamin ko na noong patak-patak pa lamang ng ulan ay ninanais kong magalit pa ang langit habang hinihintay ang pagulan para sa suspensyon ng klase upang makaalis sa rehas ng aming tahanan at magliwaliw na parang hayop sa kalsada. Ngunit ako ay nagkamali ng panalangin at ang nais kong mangyari ay nauwi sa pagkakakulong ko sa madilim na rehas at napaupo nalamang sa sulok ng aking kwarto. Naisip kong habang may mga taong hindi magkandarapa sa lugar ng kanilang kinalalagyan dahil unti-unting pinupulbos at nililimas ng tsokolateng dagat ang kanilang pinaghirapang gamit at bahay ay ipinapanalangin kong mawalan ng klase upang maglibang lamang. Ipinairal ko ang aking pagiging makasarili, sakim para sa kaligayahan ng sarili na alam kong maari ko namang makamit ng hindi kinakailangang humiling na pagdurusahan naman ng iba.

Sising-sisi ako noong mga araw na iyon at unti-unting nanalangin upang bawiin ako nauna kong panalangin at palitan na sana ay masilayan ko ng muli ang ngiti ng langit kasabay ang pagababa ng tsokolateng dagat na bumabalot sa Isla ng Mero Manila. Nais kong masilayan ang dating ngiti ng mga taong unti-unting nabalot ng maskara ng kalungkutan kasabay ng pagiyak ng langit.

Hindi masamang humiling ng ikasasaya natin, bawat isa satin ang may kanya-kanya hiling para sa sarili ngunit hindi kailangan isakripisyo ang kahirapan ng iba para sa ikasasaya ng iba. Isipin muna nating mabuti kung ang ating kahilingan ba ay makakaapekto sa ibang taong nasa paligid natin o hindi. Ang buhay ng tao ay higit na mahalaga kaysa sa ibang bagay na kaunti lamang ang epekto sa atin. Wala namang mawawala sa pagpasok sa paaralan, bagamat ito pa man ay makakatulong sa atin para sa kinabukasan.

12 komento:

  1. Bakit pinamagatang tsokolateng dagat ang kuwento?

    TumugonBurahin
  2. Ano anong simbolo o sagisag ang ginamit ng may akda sa teksyo?

    TumugonBurahin
  3. Ano ang paksa ng teksto:
    Ano ang layunin ng may akda?
    Ano ang pamamaraan na ginamit?
    Antas ng wika na ginamit
    Ano-ano mga impormasyon/kaalaman ang kanyang binigyang diin?

    TumugonBurahin
  4. Best 5/8-point-4x6.5 - Where to buy titanium trim
    We are selling this high quality version of titanium band rings the gr5 titanium Mark III-4x6.5 for the United benjamin moore titanium States, for the United Kingdom, in trekz titanium a great deal. ti89 titanium calculator

    TumugonBurahin