Miyerkules, Oktubre 10, 2012

Kahirapan (Nunal sa tubig)

Isang isla sa gitna ng malawak na karagatan ang tinitirahan ng mga taong nangangamoy masasangsang naisda at may kulay uling na balat na dahil sa kanilang kabuhayan habang tirik na tirik ang araw

Hindi na magkandaugaga ang mga mangingisda sa lamig ng ihip ng hangin, tunog nitong nakakabingi sa bawat hapas nito sa karagatan at tila kinakalampag ang mga bahay na gawa sa dayami. Ang mga damit rin ay nagliliparan sa may sampayan. Nakakatakot ang lakas ng ng hangin na kailangan pang magsigawan upang marinig ang isa't isa.

Makikita ang iba't ibang klase ng buhay ng mga tao sa isang isla. Walang doktor o kung ano pa man. Buwis buhay itong masasabi. Panganganak at patuli ay walang anestisyang gamit, katapangan lamang ang katapat. Kung sa ating palagay ay ang panganganak na ang pinakamasakit sa pagiging babae pano pa kaya ang mga taong nakatira sa isang islang walang anestisya o kahit pampatulog man lang para maikubli ang sakit. Minsan pa nga'y mamimili ka sa dalawa yung anak o ina ang mabubuhay dahil sa hirap ng panganganak. Sa lalake naman ay ang pagtutuli, pagpukpok sa balat ng ari ng lalake ang proseso sa pagiging tunay na binata ng mga kalalakihan.

Simpleng buhay ng mga taong naninirahan sa isang isla. Ito ay isang kabuhayang kung ating titignan ay hindi natin makakayanan dahil sa mga karangyaang ating nakakamit. Hindi ko rin namang sinasabing tayo ay mayayaman ngunit tayo sa nasa isang sibilisasyong malapit sa ospital, pasyalan at iba na ating pinupuntahan. Maipapakita dito kung gano tayo sa swerte na hindi natin naabutan o hindi tayo lumaki sa isang sibilisasyong katulad nito, malayo sa syudad at hirap sa buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento