Isang isla sa gitna ng malawak na karagatan ang tinitirahan ng mga taong nangangamoy masasangsang naisda at may kulay uling na balat na dahil sa kanilang kabuhayan habang tirik na tirik ang araw
Hindi na magkandaugaga ang mga mangingisda sa lamig ng ihip ng hangin, tunog nitong nakakabingi sa bawat hapas nito sa karagatan at tila kinakalampag ang mga bahay na gawa sa dayami. Ang mga damit rin ay nagliliparan sa may sampayan. Nakakatakot ang lakas ng ng hangin na kailangan pang magsigawan upang marinig ang isa't isa.
Makikita ang iba't ibang klase ng buhay ng mga tao sa isang isla. Walang doktor o kung ano pa man. Buwis buhay itong masasabi. Panganganak at patuli ay walang anestisyang gamit, katapangan lamang ang katapat. Kung sa ating palagay ay ang panganganak na ang pinakamasakit sa pagiging babae pano pa kaya ang mga taong nakatira sa isang islang walang anestisya o kahit pampatulog man lang para maikubli ang sakit. Minsan pa nga'y mamimili ka sa dalawa yung anak o ina ang mabubuhay dahil sa hirap ng panganganak. Sa lalake naman ay ang pagtutuli, pagpukpok sa balat ng ari ng lalake ang proseso sa pagiging tunay na binata ng mga kalalakihan.
Simpleng buhay ng mga taong naninirahan sa isang isla. Ito ay isang kabuhayang kung ating titignan ay hindi natin makakayanan dahil sa mga karangyaang ating nakakamit. Hindi ko rin namang sinasabing tayo ay mayayaman ngunit tayo sa nasa isang sibilisasyong malapit sa ospital, pasyalan at iba na ating pinupuntahan. Maipapakita dito kung gano tayo sa swerte na hindi natin naabutan o hindi tayo lumaki sa isang sibilisasyong katulad nito, malayo sa syudad at hirap sa buhay.
Miyerkules, Oktubre 10, 2012
Martes, Oktubre 9, 2012
Sangayon ako! (pangangatwiran)
Bakit nga ba
kailangan isulong ang RH Bill or “Republic Health Bill” sa Pilipinas? Ito ay
isa pa lamang sa mga isyung hindi mabigyan bigyan ng kasagutan ng ating
gobyerno. Sa kadahilanang ni-sila ay hindi ma sagot kung ano nga ba naman ang
tama? Ang nasa bibliya o ang pagdami ng populasyon sa Pilipinas na nauuwi rin
sa kamatayan dahil sa maraming dahilan? Kay raming tanong, kay hirap sagutin. San
ka nga ba papanig sa usaping ito?
Sa aking
palagay ay ipatupad na ang RH Bill. Hindi dahil hindi ko iginagalang ang
bibliya ngunit sa kadahilanang kelangan nalamang natin solusyonan ang
problemang ito. Maraming bata ang namamatay araw-araw dahil sa gutom. Kitang
kita ng ating mga mata ang mga kawawang batang nagtatrabaho sa murang edad para
kumita ng pera. Maliban pa dito ay ang mga batang nakakalat sa lansangan at
gumagamit ng rugby, droga o kung ano pa man. Mas maatim pa nga ba nating Makita
ng ating mga mata unti-unting pinapatay ng mga batang ito ang kanilang sarili
ng dahil sa kahirapan? Ako, hindi ko kaya. Mas gugustuhin ko pang hindi nalang
sila inilabas ng kanilang mga magulang kung hahayaan lang rin. Ito pagpapakita
ng isang responsableng magulang.
Oo nga’t may
nagsasabing bakit ka makikipagtalik kung hindi ka handa sa maaring bunga nito? Ang
pakikipagtalik ay ginagawa ng dalawang magasawa pero hindi naman lahat ng
magasawa ay kayang buhayin ang mga supling nila ng dahil sa kahirapan. Kahrapan
ang pangunahing problema sa buong mundo hindi lamang sa Pilipinas, ngunit ito
ay hindi parin nasosolusyunan nga kahit sino. Maaaring mayaman ang bansa ngunit
may mga tao paring naghihirap. Kaya’t sa aking palagay ay pagtungan nalamang
natin ng pansin ang mga sanhi ng paghihirap katulad nalaman ng paglaki ng
populasyon. Nariyan na nga ang problema, hindi na dapat pang pagtalunan pa
dahil wala rin naman itong patutunguhan at ang kailangan sa problema ay
solusyon lamang at wala ng iba.
Isa pa rito ang
kadahilanang, pilit na pinagtatalunan n gating gobyerno ang isyu tungkol sa RH
Bill ngunit marami naman ng gumagamit ng mga condom, pills at iba pang
ginagamit sa pagtatalik upang maiwasan ang pagbubuntis. Ngayon pa nga ay
nagkalat sa istasyon ng LRT o kung saan-saan pang lugar ang mga poster ng
condom, pati sa telebisyong kahit bata ay nanakakanuod ay ipinapalatastas ang
condom at higit sa lahat ay marami naring maaring pagbilhan ng mga ito sa
convenient store particular sa ditto ang Mini Stop, 7/11, Mercury at marami
pang iba. Nasa tao na rin naman iyon kung gugustuhin nilang gumamit ng mga ito
o hindi.
Ako ay sang
ayon sa RH Bill, ito na lamang ang nakikita kong solusyon sa problema ngating
bansa. Hindi sa pinipilit ko ang lahat na gumamit ng contraceptives ngunit sa
kadahilanang ako ay pumapanig sa pro RH Bill para sa ikabubuti nating lahat.
Ang dapat na pinagiisipan sa isyung ito ay kung isasama ba ang abortion sa
pagpasa ng RH Bill at gawa ng batas tungkol dito.
Tamis at Pait (Paglalahad)
Masarap
magmahal, masarap umibig. Lalo’t sa panahong nagdadalaga o nagbibinata pa
lamang. Kilig at tamis ng pagmamahal ang umiiral ngunit hindi lahat ng nagiibigan
ay nagtatapos sa kasalan. Ito ay hindi kahulugan ng isang masayang katapusan.
“Hoy
Bong! Gumising ka na daw sabi ni mama!” pambungad na sigaw ng kuya ni Bong, sabay
hila ng unan sa may ulunan nito. “Mamaya na!” sagot ni bong habang hinihila pabalik
ang unan.
Pumasok
ang ina nila Bong sa kwarto at sinabing “magsi-gising na kayo at malelate na
kayo sa klase.”
Unang
bumangon si Bong at dali-daling naligo at nagmamadaling lumabas ng bahay.
“Hindi ka na ba kakain?” pahabol ng kanyang ina. “hindi na po!” sagot ni Bong
habang palabas ng gate.
Nakasalubong
ni Bong ang kanyang mga kabarkada pagpasok ng iskwelahan. “Pare, gimik tayo
mamaya sa may MCDO na tayo magkita-kita! Sagot ko.” Pagiimbita ng isang kaibigan
nya. “Sige pare sunod ako pagtapos ng klase ko.” Nagkamayan at nagpaalam na sa
isa’t isa ang magkakaibigan upang pumasok sa kanya-kanya nilang klase.
Matapos
ang klase ay nagmamadaling tumakbo si Bong palabas ng kanyang iskwelahan at
hingal asong dumating sa kanilang tagpuan. “Tagal mo pre!”, sabi ng kanyang
kaibigan. “Sorry pre tagal magpalabas ng prof namin e.”, sagot ni bong habang
hinahabol ang kanyang hininga.
Sabay-sabay
ng pumunta sa isang discuhan ang magkakaibigan. Isang Nakakabinging tugtog at nakakabulag
sa liwanag pagtumapat sa mga mata ang mga bolang nakasabit sa kisame sa isang
madilim na lugar ang bumungad sakanila. Hindi magkandarapa ang mga tao
kakasayaw sa isang maliit na lugar na iyon.
Habang
sila’y sumasayaw ay hindi sinasadyang mabangga ni Bong ang isang babaeng may
mahaba buhok, maliliit na mata at mapupulang labi ang bumungad sakanya. Si Bong
ay nakatitig lang sa babaeng iyon habang ang babae naman ay nagsosorry sakanya.
“Sorry!
Hindi ko sinasadya” sabi ng babae. “Ah… ok lang.”, Nauutal na sagot ni Bong.
Nakatitig
parin si Bong sa babaeng iyon habang papunta sa bar upang kumuha ng alak. Agad namang
sumunod ang kanyang mga kaibigan at siya’y kinantyawan. “Oy! Pare! Anong
nangyari?” “Ang ganda nun ah! Nakilala mo ba?” “Anong pangalan?”, sunud-sunod
na tanong ng kanyang mga kabarkada. “Hindi pare eh.”, sagot ni Bong. Ngunit
hindi parin natitinag ang pagtitig niya sa babaeng nakaupo sa kabilang mesa.
Tinuro
ng mga kaibigang kasama ng babae si Bong kaya’t tinignan din ng babae ito
pabalik. Hindi mapakali at pinipilit iwasan ng tingin ni Bong ang babaeng
kanyang nakabangga.
“Pare!
Pare! Palapit na sila dito.” Hindi na magkandaugaga si Bong sa sunud-sunod na
paglagok niya ng alak sa natutuyo’t niyang lalamunan.
Pagdating
ng babae kasama ang kanyang mga kaibigan sa kanyang harapan ay tinanong nya
kung bakit nakatingin si Bong sakanya. “Wa-wala naman. So-sorry.” Nanginginig
na sagot ni Bong. “Gusto niya sanang makipagkilala!”, gatong ng mga kaibigan ni
Bong. “Hindi! Hindi!”, pangontra naman ni Bong. Ngumiti lamang ang babae at
nagpakilala, “May, ako nga pala si May” habang nakangiti kay Bong. “Ah- Hi, ako
si Bong” habang pilit na inaabot ang naninigas niyang kamay sa babae.
Nagsalo
na ang dalawang grupo ng magkakaibigan sa isang lamesa habang nagkekwentuhan at
ang iba naman ay nagsasayawan.
Ilang
araw pa ang nakalipas ay nagsunud-sunod ang pagkikita nila Bong at May.
Pagkatapos ng klase ni Bong ay sinusundo niya si May at sabay silang kumakain
sa labas upang magkakilanlan pa ng maayos. Hindi nagtagal ay dumating ang
panahon na naging silang dalawa na.
Ilang
taon din ang nakalipas ay nakatapos na ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science
for Civil Engineering si Bong at nagrereview na lamang para board exam.
Taong
1992 ng May 24, noong sinurpresa siya ni May sa isang romantikong hapunan si Bong para sa kanyang kaarawan. Nagsindi
nag kandila si May sa isang lamesang may nakahandang bagong lutong ulam at
mainit na kanin, habang amoy na amoy ang halimuyak ng pulang rosas na nakakalat
sa pagpasok pa lamang ng pintuan hanggang sa kama.
Kumakatok
na sa pintuan si Bong at agad-agad na humaripas ng takbo si May upang
salubungin ito habang may dala dalang cake at lighter upang sindihan ang
kandila. Pagbukas ng pinto ay kumanta si May ng Happy Birthday at naglakihan
ang mga mata ni Bong sa gulat ng makita niya ang buong kwartong punong puno ng
bulaklak at pagkain sa lamesa. Pagtapos kumanta ay binati ni May si bong at
hinalikan. “Happy Birthday, para sayo lahat ito.”, bati ni May.
Kumain
na sila ng hapunan at masayang nagkekwentuhan habang umiinom ng wine.
Pagkatapos nilang kumain at uminom ng wine ay unti-unti ng naginit ang kanilang
mga katawan ng dahil na rin sa kadahilanang silang dalawa lamang doon sa silid
na kanilang tinutuluyan. Kaya’t unti-unti ng naglapit ang kanilang mga labi at
pinatay ang ilaw.
Makalipas
ang isang buwan ng malaman ni May na siya ay nagdadalang tao. Hindi niya alam
kung pano ito sasabihin sa kanyang mga magulang at kay Bong. KAya’t napagdesisyonan
niyang makipagkita kay Bong sa isang lugar malapit sa pinapasukan review center
ni Bong.
Naghintay
si May sa may isang kainan, tingin ng tingin sa kanyang paligid upang hanapin
si bong habang hinihimas ang kanyang tiyan. Dumating si Bong at tinanong si May
kung bakit biglaang gusto niyang makipagkita. “Bakit bigla kang nakipagkita?
May problema ba?”, tanong ni Bong kay May. “May gusto sana akong sabihin sayo.
Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko.” Sagot ni May. “Ano yun?” wika ni
Bong. Gulat na gulat si Bong noong sinabi ni May na buntis siya. Hindi niya rin
alam kung ano ang kanyang gagawin dahil hindi ganun ka yaman ang pamilya ni
Bong at hirap na hirap na sila sa pagpapaaral kay Bong para sa kanyang
paghahanda sa palapit na board exam.
Walang-
wala sa sariling sinabi ni Bong sa kanyang ina na buntis si May at wala ng
nagawa ang kanilang mga magulang kundi tanggapin ito. Tumigil si Bong sa
pagrereview at nagtrabaho. Mas pinili niyang magtrabaho na upang makatulong na
agad sa kanilang pamilya at sa paghahanda sa bago niyang magiging pamilya kesa
ituloy ang pagkuha ng board exam.
Ngunit
dumating ang mga panahong halos araw-araw ng nagaaway sila May at Bong. Hindi
na sila nagkakaintindihan at minumura na ni May si Bong na hindi nagugustuhan
ng ina ni Bong.
Makalipas
ang kabuwanan ni May ay isinilang niyang ang isang babaeng sanggol na may
mapupulang labi at pisngi. Pinangalanan nila ang babaeng sanggol na Reggie Ann.
Ngunit sa paglabas ng bata ay hindi parin naayos ang pagsasamahan nila Bong.
Nagkaroon pa ng mas matitinding away at nadamay pa ang mga magulang ni Bong
dahil hindi na masikmura ng ina ni Bong ang pagaalipusta ni May sa kanyang
anak. Nalaman nilang kaya nagkaganun ay may iba na palang lalake si May.
Nasaktan ng lubusan si Bong na parang sinasaksak ang kanyang puso. Hindi niya
inaasahan na sa lahat ng sakripsyong ginawa niya para sa pamilya niya ay mauuwi
sa wala. Ibinigay niya ang lahat para sa kanyang asawa at kinalumutan ang
kanyang pangarap upang maitaguyod ang kanyang pamilya. Kaya’t ng dahil sa
pangyayaring ito ay agad silang naghiwalay ni May at naiwan ang babaeng sanggol
sa puder ng kanyang ama. Nagkaroon sila ng kasulatang hindi maaring kunin ni
May ang babaeng sanggol sa puder ng kanyang ama.
Umiiyak
habang binabasa ni May ang kasunduang ito at pilit na pinirmahan ang kasunduan
kabay ng pagpatak ng kanyang luha sa papel na iyon. Matapos nito ay pinuntahan niya ang kanyang
anak at inakap ng mahigpit. “Anak sorry. Sorry…”, ito na lamang ang huling salitang
bigibigkas niya bago siya umalis.
Kalinga ng kanyang lola
ang natamasa ng sanggol habang siya’y lumalaki. Pangunguli sa kanyang ina ang
namuo sa kanyang puso habang nagkakaisip ang sanggol.
Sampung
taon na ang nakalipas noong bumalik si May sa kanilang tahanan upang kunin ang
bata ngunit pinagbawalan siya ng ina ni Bong. Hindi rin sumangayon dito si Bong
ngunit hindi naman ganun katigas ang puso ni Bong upang ilayo ang kanyang anak
sa ina nito. Gayun pa may ramdam niya ang pangungulila ng kanyang anak sa
pagmamahal ng isang ina. Kaya’t pinagpasya nilang magkasundo at maging
magkaibigan na lamang para ika-bubuti ng paglaki ng kanilang anak. Hindi man
sila isang buong pamilya, ngunit maari nilang gampanan ang kanilang pagiging
isang magulang at pagiging gabay sa kanilang anak.
Tsokolateng Dagat (Paglalarawan)
Nagsilbing isang malawak na tsokolateng
dagat na may amoy panis na ulam ang lumulutang-lutang na animo'y patay na mga
isda at kalat-kalat na isla na siyang nagsilbing pahingahan ng mga tao ang
ating natamasa ilang linggo pa lamang ang nakalilipas.
Habang ako ay nanunuod ng balita,
kitang-kita ng aking naglalakihang mata kung paano sinakop ng maitim na ulap,
nagbabagsakayang tubig sa langit kasabay ang paghampas ng hangin at pagsabog ng
kulog at kidlat ang ipinatikim na lakas ng habagat na ito sa Filipinas,
partikular na sa Metro Manila. Isa itong delubyo na maihahalintulad natin sa
bagsik na ipinaranas sa atin ng bagyong Undoy. Hindi ako magkakandaugagang
isipin kung ano ang una kong gagawin kung sa amin nangyari ang aking nakitang
hirap ng mga taong nakikipagsapalaran sa tila isang survival game na ating
napapanuod rin sa telebisyon. Ika nga sa palabas na iyon ay "Matira,
matibay".
Inaamin ko na noong patak-patak pa lamang
ng ulan ay ninanais kong magalit pa ang langit habang hinihintay ang pagulan
para sa suspensyon ng klase upang makaalis sa rehas ng aming tahanan at
magliwaliw na parang hayop sa kalsada. Ngunit ako ay nagkamali ng panalangin at
ang nais kong mangyari ay nauwi sa pagkakakulong ko sa madilim na rehas at
napaupo nalamang sa sulok ng aking kwarto. Naisip kong habang may mga taong
hindi magkandarapa sa lugar ng kanilang kinalalagyan dahil unti-unting
pinupulbos at nililimas ng tsokolateng dagat ang kanilang pinaghirapang gamit
at bahay ay ipinapanalangin kong mawalan ng klase upang maglibang lamang.
Ipinairal ko ang aking pagiging makasarili, sakim para sa kaligayahan ng sarili
na alam kong maari ko namang makamit ng hindi kinakailangang humiling na
pagdurusahan naman ng iba.
Sising-sisi ako noong mga araw na iyon at
unti-unting nanalangin upang bawiin ako nauna kong panalangin at palitan na
sana ay masilayan ko ng muli ang ngiti ng langit kasabay ang pagababa ng
tsokolateng dagat na bumabalot sa Isla ng Mero Manila. Nais kong masilayan ang
dating ngiti ng mga taong unti-unting nabalot ng maskara ng kalungkutan kasabay
ng pagiyak ng langit.
Hindi masamang humiling ng ikasasaya
natin, bawat isa satin ang may kanya-kanya hiling para sa sarili ngunit hindi
kailangan isakripisyo ang kahirapan ng iba para sa ikasasaya ng iba. Isipin
muna nating mabuti kung ang ating kahilingan ba ay makakaapekto sa ibang taong
nasa paligid natin o hindi. Ang buhay ng tao ay higit na mahalaga kaysa sa
ibang bagay na kaunti lamang ang epekto sa atin. Wala namang mawawala sa
pagpasok sa paaralan, bagamat ito pa man ay makakatulong sa atin para sa
kinabukasan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)